Manila, Philippines – Papalo sa higit 800-libong pisong halaga ng mga dis-assembled units ng Nokia 3310 phones at chargers ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA.
Ito’y matapos na hindi makapagpakita ng import documents mula sa National Telecommunications Commission (NTC) ang dalawang Chinese national na kinilalang sina Lao Alikhan Unos at Hadji Unis Saaduddin Lao.
Dadalhin sana sa Maynila ang produkto mula sa Guangzhou, China.
Agad namang inirekomenda ni Ariel Nepomuceno, deputy commissioner ng BOC-Enforcement Group ang Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa mga nasabing cellphones dahil sa paglabag sa NTC memorandum circular at customs modernization and tariff act.
Nasa kustodiya na ng BOC ang mga nasabat na mobile phones.
DZXL558