Sharon Cuneta – balik trabaho na matapos ang kontrobersyal na bakasyon sa US

216

Manila, Philippines – Balik-trabaho agad ang aktres na si Sharon Cuneta matapos ang kontrobersyal nitong bakasyon sa US.

Ngayong araw nga, sinimulan na ng Megastar ang shooting ng upcoming movie nito na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”.


Hindi naman maitago si ate Shawie ang sobrang excitement sa trabaho gayundin ang mga makakasama nito sa nasabing pelikula.

Una rito, naging kontrobersyal ang biglaang paglipad ni Sharon sa U.S. matapos na kumalat ang larawan ng asawa nitong si Senador Kiko Pangilinan at Senador Riza Hontiveros na magka-holding hands.

Lumabas kasi ang espekulasyon na hiwalay na ang dalawa na agad namang pinabulaanan ng aktres.
DZXL558

Facebook Comments