Higit 8,000 Ektarya ng Pump Irrigation Project sa Chico River, Binuksan

Cauayan City, Isabela-Pinasinayaan na ang bagong Chico River Pump Irrigation Project (CRPIP) na pinangunahan ni National Irrigation Administrator Retired Gen. Ricardo Visaya sa Brgy. Katabbogan, Pinukpuk, Kalinga kamakailan.

Inihayag ni Visaya na ang Pump project ay may lawak na 8,700 hectares kung saan, malaking bahagi nito ay sakop ng Tuao at Piat sa Cagayan na may lawak na 7,539 hectares habang ang natitirang 1,170 hectares ay nasasakupan naman ng Pinukpuk, Kalinga.

Makikinabang sa naturang proyekto ang halos 5,00 magsasaka at kanilang pamilya na nagsimulang gawin noon pang 2018.

Ang proyekto ay isang flagship infrastructure project na pinondohan ng People’s Republic of China sa pamamagitan ng China Export Import Bank sa ilalim ng programang “Build, Build, Build” ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments