Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang nasa 8,079 na mga indibidwal sa buong bansa na gumaling sa COVID-19.
Nakapagtala rin ng 9,671 na karagdagang kaso ng COVID-19 habang 287 ang nadagdag sa mga pumanaw.
Sa mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% o 77,516 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso; 93.6% o 1,552,278 na ang total ng mga nakarekober sa sakit at 1.76% o 29,122 ang bilang ng nasawi.
Sa inilabas pa na ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 6, 2021 at lahat ng mga ito ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Samantala, dumating na sa bansa ang nasa 326,400 doses ng Moderna vaccines.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-3 ang Singapore Airlines kung saan sinalubong ito ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., at ng ilan pang opisyal ng pamahalaan.