Higit 8,000 LSIs, makakauwi sa kanilang mga probinsya ayon sa DILG

Aabot sa 8,408 Locally Stranded Individuals (LSI) ang nakatakdang umuwi sa kanilang mga probinsya simula ngayong araw sa ilalim ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang mga LSI ay ang mga nananatili sa Philippine Army Gymnasium, Villamor Air Base Elementary School, Manila Science High School at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang second batch naman ay kinabibilangan ng mga LSI na inendorso ng National Commission on Indigenous Peoples at iba pang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.


Isasakay ang mga pauwing LSI sa 120 bus, limang sea vessels kung saan ang dalawa ay mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at tatlo mula sa Philippine Coast Guard (PCG), at ang ibang LSI ay iuuwi sa pamamagitan ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Bibigyan din ng food at non-food assistance sa mga LSI sa kanilang biyahe.

Facebook Comments