Nasa higit 8,000 trabaho ang naipagkaloob lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).
Ayon kay PESO Director Fernan Bermejo, nasa 8,455 ang naipagkaloob sa bawat residente sa lungsod mg Maynila.
Ito’y sa loob lamang ng buwan ng January hanggang September 2021.
Sinabi ni Bermejo na ang kanilang mga hakbang ay sa ilalim na rin ng direktiba ni Mayor Francisco “Isko” Moreno na tumulong mabigyan ng trabaho ang bawat Manileño sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y para mabawasan ang hirap na nararanasan ng mga residente ng lungsod ng Maynila lalo na ngayong maraming kompanya at negosyo ang nagsara bunsod ng pandemya.
Inihayag ng alkalde na patuloy ang Manila Local Government Unit (LGU) sa paghahanap ng mga paraan para mabigyan ang bawat residente ng pagkakakitaan at makakain ang kani-kanilang pamilya.