Umabot sa 85,582 na child workers ang naitala ng Department Of Labor and Employment o DOLE mula sa labing anim na rehiyon sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, resulta ito ng nationwide profiling na kanilang isinagawa noong april 2018.
Ito’y upang makagawa ng paraan ang pamahalaan para malaman ang mga pangangailangan ng mga bata sa halip na magbanat ng buto para sa kanilang pamilya.
Sa nasabing bilang na 18,651 sa mga ito ang naisangguni na o natulungan na ng ilang ahensiya ng pamahalaan habang ang mga magulang nila ay binigyan naman ng ayuda para magkaroon ng sariling pagkakakitaan.
Dagdag pa ni Bello, nakipag-partner din sila sa Technical Education and Skills Development Authority o tesda at Industrial Tripartite Councils para maturuan o mabigyan ng sapat na kaalaman ang ilang kabataan na dating mga child workets para makahanap naman daw ng mas disenteng trabaho.
Ang nasabing hakbang ng DOLE ay parte ng kampaniya ng gobyerno, NGO’S, LGU’S at ng komunidad para matigil na ang pagdamo ng mga child workers sa bansa.