Abot sa 864,719 Overseas Filipino Workers (OFW) ang makakapagdiwang ng Pasko sa kanilang mga mahal sa buhay matapos maserbisyuhan ng “Hatid-Tulong Program” ng Department of Transportation (DOTr) nitong Disyembre 15.
Mula sa naturang bilang, 217,550 ang naihatid sa kani-kanilang probinsya sa pamamagitan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange 463,360 naman ang air transport sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
129,809 naman ang sea travel sa pamamagitan ng North Harbor.
Ang programa ay bahagi ng layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maasistihan ang mga OFWs sa pagbabalik probinsiya.
Facebook Comments