Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 86,745 ektarya ng palay at mais sa buong Cagayan Valley ang apektado ngayon ng pamemeste ng brown planthopper (BPH) insect, ayon sa Department of Agriculture (DA)region 2.
Base sa datos ng ahensya, pinakamalaking pinsala sa lalawigan ng Isabela na umabot sa 74,945 ektarya; Cagayan na may 9.8 hectares at Nueva Vizcaya na may dalawang (2) ektarya naman ng pananim ang apektado ng peste.
Dahil dito, pumalo na sa higit P2,873,000 ang halaga ng iniwang pinsala ng Brown Planthopper o tinatawag na “Ulmog.
Una nang sinabi ni DA Science Research Specialist Mindaflor Aquino na isa sa nakikitang dahilan ng pagkalat ng naturang pamemeste ay ang pagbiyahe ng mga ‘dayami’ sa ibang mga lugar.
Samantala, hinihimok nito ang mga magsasaka na agad ipagbigay-alam ang anumang insidente sa pinakamalapit na tanggapan ng ahensya o ang Regional Crop Protection Center sa City of Ilagan para sa mabilis na aksyon.
Kaugnay nito, nagsagawa na ang ahensya ng field demonstrations sa ilang bayan sa Isabela para sa gagawing hakbang ng mga magsasaka gaya ng paglalagay ng isang uri ng pamatay sa planthopper.
Bagama’t hindi ito ang unang pagkakataon na nakakapinsala ang naturang insekto sa rehiyon pagkaraan ng limang taon subalit manageable ito noon kumpara sa kasalukuyang sitwasyon.