Kabuuang 8,707 na PNP Personnel ang kasalukuyang nakadeploy sa buong rehiyon ayon sa Police Regional Office 1.
Sa ginanap na Kapihan sa Ilocos ng Philippine Information Agency Region 1, sinabi ni PRO1 Chief PIO PCOL Benigno Sumawang Jr. isinaad ng opisyal na nahahati sa mga grupo ang mga personnel mula sa pagtatalaga sa mga checkpoints, quick response team, COMELEC warehouse at reactionary standby support sa buong rehiyon.
Samantala, binigyang-diin ni Sumawang na walang private armed group sa rehiyon ang natukoy ng kapulisan at nakahanda umano sa sakaling pagsulpot kasagsagan ng election period.
Tiniyak ng tanggapan na laging handang rumesponde at hindi nagpapakampante ang mga kapulisan dahil tuloy-tuloy ang pagbabantay sa seguridad ng publiko ngayong nalalapit na ang halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments