HIGIT 9-MILYONG DOSES NG COVID-19 VACCINES, NAITUROK NA SA ILOCOS REGION

Mahigit 9-milyong doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa residente ng Ilocos Region sa nagpapatuloy na kampanya ng gobyerno sa COVID-19 vaccination.
Sa ulat ng Department of Health-Center for Health Development 1, aabot na sa 9,084, 333 ang kabuuang bilang ng mga dose ng bakuna na ang naiturok sa mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers, at indigent population.
4, 067, 853 ang partially vaccinated at 3, 831, 951 ang fully vaccinated.

Nakapagbigay na rin ang kagawaran ng 1, 369, 209 na first booster shot at 250, 869 na indibidwal naman ang nakakuha na ng second booster shot.
Nagpapatuloy ang paghikayat ng kagawaran sa publiko na kunin ang kanilang booster shot upang magkaroon ng proteksyon sa sakit kahit pa patuloy sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments