Umaabot na sa 20,863,544 ang kabuuang bilang ng mga bakunang naiturok sa buong bansa hanggang kahapon, August 1.
Sa bilang na ito, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na 9,115,963 ang nakakumpleto na ng bakuna o katumbas ng 11.19%.
Nasa 11,747,581 ang bilang ng mga nabigyan ng first dose o katumbas ng 16.46%.
Ang daily jabs naman aniya na nagawa kahapon ay nasa 383,494 habang noong Sabado ay 471,719 at 600,002 daily jabs noong nagdaang Biyernes na nangangahulugang mabilis na naituturok ang mga bakuna basta’t may sapat na suplay lamang nito.
Una nang kinumpirma ng Palasyo na nasa higit apat na milyong doses ng bakuna ang darating sa bansa ngayong linggo.
Facebook Comments