Umabot pa lamang ng mahigit 9,000 ang natanggap na balota ng Reception and Custody Unit (RCU) ng Committee on Local Absentee Voting ng Commission on Elections (COMELEC).
Mula ito sa mahigit 84,000 na naaprubahang botante na pinayagang makaboto nang mas maaga dahil sa magsisilbi sila sa mismong araw ng halalan.
Mula sa 9,105 na balota na tinanggap ng RCU ng COMELEC Committee on LAV, pinakamarami rito ay mula sa Philippine National Police (PNP) na nasa 3,929 kasunod ang Philippine Air Force (PAF) na may 1,731 na balota at 926 sa Philippine Army.
Gayunman ang inisyal na bilang ng mga balota na ito ay mababa pa rin kung ikukumpara sa mahigit 34,000 na Local Absentee Voters sa Army; 4,217 sa Air Force at 47,021 sa PNP
Ang may mataas na turn-out ay mula sa mga mamamahayag na sa 957 LAV ay 809 ang balota na dumating.