Dumalo ang mahigit anim naraang (600) mga mag-aaral sa isang symposium kaugnay sa Adolescent Sexuality at Fertility at HIV/AIDS Awareness sa dalawang paaralan sa nasabing bayan.
Dahil sa layunin ng LGU at marami pang ahensya na makatulong sa kampanya ng
ng pagpapataas ng kamalayan sa mga kabataan sa pagpapanatiling protektado at mahusay na kaalaman, pati na rin sa pagtitiyak sa mga mapagkukunan ng aid o tulong sakaling mapasok ang hindi inaasahang pangyayari gaya na lamang ng maagang pagbubuntis o makabuntis.

Ang kaganapang ito ay naglalayong mas palakasin pa ang umiiral na kaalaman ng mga kabataan tungkol sa sekswalidad, fertility at HIV/AIDS.
Ang naturang programa ay bilang pakikiisa rin sa selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, kung saan itinataguyod ang isang komunidad na bukas sa mga bagay na ito at kasama ang aktibong presensya ng sektor ng kabataan sa paggawa ng isang makabuluhang lipunan para sa pagbabago.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa mga paaralan ng Pindangan National High School at Macayo Integrated School sa nasabing bayan sa tulong at sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Alcala sa tulong ng Municipal Health Office , Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Population Office kasama ang katuwang nitong katawan, Provincial Population Cooperative at Livelihood Development Office. |ifmnews
Facebook Comments