Umabot sa higit animnapung milyong piso ang nalikom ng lalawigan sa naganap na 18-day Ilocos Sur Festival Trade and Food Fair 2025 na bahagi ng kanilang Ilocos Sur Festival.
Kabuuang Php 66,744,817 ang gross sales na mas mataas ng 15.34% kung ikukumpara sa Php 57,865,178 na nalikom sa trade fair noong nakaraang taon.
Kabilang din sa tinangkilik ang mga produkto sa Gifts, Décor, and Housewares (GDH) na may 15.65% o katumbas an Php 10,316,895 at Furniture Sector sa 9.58% o kabuuang Php 6,316,794 sales.
Hindi lamang mula sa lalawigan ang nakinabang dahil mula sa kabuuang sales nito, 26.95% o higit Php17, 000, 000 ay nagmula sa mga inimbitahang mga karatig probinsya.
Patuloy pang palalakasin ang naturang sektor sa adhikaing mas maipakilala at matangkilik ang mayaman at ipinagmamalaking mga produkto ng Ilocos Sur, maging ang buong Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









