PAGSASAAYOS SA NASIRANG BAYWALK SA BONUAN BINLOC DAGUPAN CITY, PUSPUSAN NA

Puspusan na ang isinasagawang rehabilitasyon sa nasirang bahagi ng Baywalk sa bahagi ng Bonuan Binloc, Dagupan City.

Matapos ang sunod-sunod na bagyong tumama sa Northern Luzon noong nakaraang taon, bumigay ang ilang bahagi ng naturang pasyalan na siyang bahagyang nakaapekto sa mga residente at turismo roon.

Noong nakaraang buwan pa umano nasimulan ang Rehabilitasyon kung saan nalagyan ng sheet pile.

Bagamat wala pang deadline ang pagsasaayos nito, umaasa ang mga residente sa paligid nito na matapos nang agaran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments