Umaabot sa kabuuang 4,214 na mga pamilyang Pilipino ang nakinabang sa balik probinsya, bagong pag-asa program ng National Housing Authority (NHA).
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NHA head Joy Bala na katumbas ito ng 15,215 na mga indibidwal.
Ayon pa kay Bala, ang balik probinsya, bagong pag-asa program ay magkatuwang na programa ng NHA at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabilang ang La Union, Ilocos Sur, Isabela, Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Norte, Sultan Kudarat, Cotabato, Lanao del Norte, Zamboanga del Norte at Augusan province sa mga lalawigang pinagdalhan ng mga umuwi nating kababayan.
Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na makatatanggap ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mga benepisyaryo ng balik probinsya, bagong pag-asa program.