Panukalang SIM card registration bill, muling ihahain ng isang senador

65

Ihahain muli sa 19th Congress ni Senator Grace Poe ang panukalang SIM card registration bill na layuning labanan ang text scams na nananamantala sa gipit at mapagtiwala nating mga kababayan.

Binigyang diin ni Poe na ang layunin ng panukalang batas na ito ay hindi matatawaran kaya’t siya ay umaasa na ipapasa ito ng susunod na Kongreso.

Ang nabanggit na panukala ay nakapasa na sa 18th Congress pero ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi naisabatas.


Giit ni Poe, dapat paigtingin ng buong gobyerno ang pagsupil sa naglipanang scammers at kanilang mga masasamang gawain.

Paliwanag pa ni Poe, ang batas sa SIM card registration ay dapat tapatan ng epektibong pagpapatupad ng kasalukuyang mga batas at regulasyon para mahinto ang text scams.

Facebook Comments