Kaugnay sa selebrasyon ng National Arbor Day nagsagawa ng tree planting ang Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 1.
Aabot sa 4,100 na puno ang naitanim sa 41.4 hectares sa bulubunduking bahagi ng Ilocos Region.
Ayon kay Renelyn Casantos, regional information officer ng DENR ang reforestation na aktibidad ay parte ng kanilang forestry activity upang malabanan ang climate change.
Samantala, hinikayat ng ahensya ang publiko na makiisa sa mga aktibidad upang mapangalagaan ang kalikasan. | ifmnews
Facebook Comments