Bulkang Bulusan, nakapagtala muli ng mga paglindol

86

Sunod-sunod na volcanic earthquake ang naitala na naman ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS) sa Bulkang Bulusan.

Ito’y matapos manahimik sa pag-aalburoto sa mga nagdaang araw.

Sa tala ng PHIVOLCS, umabot sa 107 volcanic earthquake ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.


Nakitaan din ito moderate emission ng plume na may taas hanggang 100 metro at sulfur dioxide na 630 na tonelada.

Sinabi pa ng PHIVOLCS na hindi pa rin nila inaalis ang posibilidad na muling magkaroon ng phreatic explosion sa bulkan.

Facebook Comments