Higit apat na milyon, nakapag-enroll sa ALS – DepEd

Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng mahigit 4 million na mga estudyanteng nakapag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa datos ng DepEd, tumaas sa 80% ang yearly average na bilang ng enrollment sa kasalukuyang administrasyon kumpara sa nakalipas na dalawang administrasyon.

Nabatid na nasa 288 na pampublikong paaralan at 2 pribadong paaralan sa 10 rehiyon ang nagbukas ng ALS-Senior High School Program upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga out-of-school youth at adult.


Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong December 2020 ang Republic Act No. 11510 na nagpapatibay sa ALS program at paglikha ng Bureau of Alternative Learning System upang magbigay ng parallel learning system sa non-formal education.

Facebook Comments