HIGIT APAT NA RAANG LIBONG PANGASINENSE, NAKATANGGAP NA NG KANILANG BOOSTER SHOTS

Aabot sa 408, 963 ang bilang ng mga Pangasinenseng nakatanggap na ng kanilang booster shots ayon sa DOH-Center for Health Development 1.
Ayon kay Dra. Rhuel Bobis, ang focal person ng DOH-CHD1, nasa 18.1 % na ang booster vaccination rate ng Pangasinan batay sa kanyang target eligible population.
Nangunguna ang Ilocos Sur na may pinakamaraming nabakunahan pagdating sa booster shot, pangalawa ang Ilocos Norte, pangatlo ang La Union at panghuli ang Pangasinan.

Nilinaw naman ni Bobis na dahil sa malaking bilang ng populasyon ng Pangasinan kung kaya’t huli ito sa nasabing percentage ngunit mataas ang bilang ng mga nabakunahan.
Samantala, nagpapatuloy ang paghikayat ng ahensya pagdating sa pagpapabakuna ng booster shot.
Facebook Comments