HIGIT DALAWANG LIBO CAMPUS JOURNALISTS SA BUONG REHIYON UNO, LALAHOK SA 2023 REGIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE

Nasa higit dalawang libong campus journalists mula sa labing apat na Schools Division Office sa buong Region 1 ang lalahok sa Regional Schools Press Conference na pangungunahan ng SDO Alaminos City at magaganap bukas, June 15 hanggang June 17 sa kasalukuyang taon.
Handa na umano ang pamunuan ng SDO Alaminos sa pamumuno ni Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan katuwang ang lokal na pamahalaan ng Alaminos gayundin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa mga naging panelists ng naganap na Media Press Conference, nagdownload ang Regional Office ng 700, 000, kabilang sa Special Education Fund sa mga gagamiting pang pondo para sa mga materyales na gagamitin sa pagsasakatuparan ng RSPC ngayong taon.

Nakatanggap din ng tulong ang ahensya mula sa lokal na pamahalaan ng Alaminos at Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pinagsamang halagang halos apat na milyong piso, lahat para sa ginawa at patuloy na ginagawang paghahanda ng SDO Alaminos para mapagtagumpayan ang isa sa pinakamalaking aktibidad ng Kagawaran ng Edukasyon.
Samantala, ang higit dalawang libong campus journalists ay makikilahok sa iba’t-ibang kategorya ng writing competition tulad ng Editorial, Feature, News, Sports at Column Writing. Gayundin sa Editorial Cartooning, Photojournalism, Copy reading and Headline Writing at Science Writing.
Ang group contests naman na kinabibilangan ng Radio Scriptwriting and Broadcasting and Collaborative Desktop Publishing ay lalahukan din ng parehong mga nasa elementary at secondary levels at ang Online and TV Scriptwriting and Broadcasting na lalahokan lamang ng high school students.
Ang Regional Schools Press Conference ay taunang aktibidad ng DepEd na may layong maempower ang mga campus journalist o mga estudyanteng may puso sa pamamahayag nang maging bahagi ng pagbabago sa mga kaganapan sa ating mga komunidad at maging daan upang malayang maipahayag ang mga suliraning nangangailangan ng solusyon. |ifmnews
Facebook Comments