Ganap nang batas ang panukalang magtataas sa sahod ng higit 1.4 million government employees simula ngayong taon.
Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang salary standardization law of 2019.
Sa ilalim ng bagong batas, ang salary adjustment ay ibibigay sa apat na tranches simula January 2020 at magtatapos sa 2023.
Nasa 20 hanggang 30% ang itataas sa sweldo ng mga empleyado na nasa ilalim ng salary grades 10 hanggang 15.
Nasa walong porsyento naman ang dagdag sa sahod ng mga government worker na nasa salary grades 23 hanggang 33.
Kasama rin sa mga makakatanggap ng dagdag-sahod ang mga public school teachers.
Maliban sa umento sa sahod, minamandato rin ng batas ang pagbibigay ng midyear bonus sa mga kawani ng gobyerno katumbas ng isang buwang sahod.
Aabot sa 34.2 billion pesos ang inilaan para rito sa ilalim ng 2020 national budget.
Si Pangulong Dutete, Vice Presresident Leni Robredo, ang mga kasalukuyang Senador at kongresista ay hindi ‘entitled’ sa mga naturang increase.