Walang US troops ang nasaktan sa Iran missile strikes, ayon kay Trump  

Ipinagpasalamat ni US President Donald Trump na walang nasaktang mga sundalo sa ikinasang missile strikes ng Iran sa mga military bases nito sa Iraq.

Sa kanyang ulat sa bayan, sinabi ni Trump, ligtas ang lahat ng kanilang mga sundalo at nag-tamo lamang ng maliit na pinsala ang pag-atake sa kanilang mga base.

Naniniwala si Trump na sumusuko na ang Iran, na mabuting bagay para sa buong mundo.


Pero nagbanta na ang US leader na magpapatupad sila ng dagdag na economic sanctions laban sa Iran.

Facebook Comments