Higit dalawang milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Maguindanao

96

Manila, Philippines – Aabot sa 2.5 million pesos na halaga ng shabu ang nasabat sa barangay Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa ikinasang operasyon, naaresto ang mga bigtime drug peddlers ng syudad na sina Jojet Sapal at Abdulfatah Mamalinta.

Bukod sa shabu, narekober mula sa mga suspek ng dalawang kalibre-45 baril.
Sinampahan na ang mga suspek ng kaukulang kaso.
Ito na ang maituturing na biggest haul ng shabu na nasabat ng PDEA-ARMM sa isang operasyon lamang.


Facebook Comments