Buhawi, nanalasa sa South Cotabato

Manila, Philippines – Manila, Philippines – Matinding pinsala ang iniwan ng isang buhawi na sinabayan pa ng malakas na ulan sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) emil sumagaysay – aabot sa 450,000 pesos ang halaga ng pinsala.

Aniya pitong pamilya ang apektado kung saan dalawang bahay ang tuluyang nasira habang lima naman ang bahagyang nasira.


Nagpapatuloy ang clearing operation habang patuloy naman ang ginagawang assessment sa mga apektadong pamilya para mabigyan ang mga ito ng agarang tulong.

Facebook Comments