HIGIT ISANDAANG MAIINGAL AT ILIGAL NA MGA TAMBUTSO SA BAYAN NG MANGATAREM, SINIRA

Idol Jhon Caranto | 104.7 iFM Dagupan

Higit isandaang iligal na mga tambutso sa bayan ng Mangatarem sinira ngayong araw ng Huwebes, ika-29 ng Setyembre.
Sa kabuuan, umabot sa 105 na maiingay at iligal na mga tambutso ang sinira sa pangunguna ng punong bayan na si Mayor Ramil Ventenilla na siyang nagmaneho ng pison para sirain ang mga kumpiskadong tambutso katuwang ang mga kawani ng pulisya.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PMaj. Arthuro Melchor Jr., ang hepe ng Mangatarem Police Station, sinabi nitong nahuli ang mga ito sa mas pinaigting na pagbabantay ng kapulisan sa mga hindi sumusunod sa Municipal Ordinance na Number 07-2011 na Ordinance Prohibiting all Owners, Operators, Drivers of all types of Motor Vehicles Operating and/or Plying within Territorial Jurisdiction of Mangatarem to Use Converted/Defective/Noisy Mufflers or Exhaust Pipes.

Karamihan umanong mga nahuhuli nila ay mga kabataan ngunit dagdag pa niya, nahuhuli din ang mga hindi taga Mangatarem na hindi alam ang naturang ordinance.
Naipon aniya ang mga ito sa halos limang buwang pagbabantay sa matitigas ang ulo na kadalasan natatanggap na reklamo ng mga residente.
Aniya, ang mga may-ari umano ng mga defective na tambutso ay nabigyan ng ticket, kung saan unang offense ay mayroong P300, P500 – 2nd offense at 3rd offense ay P1,000.
Paalala ng opisyal, na sumunod na lamang sa mga patakaran upang hindi magaya sa mga nahuhuli. Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga magulang ng mga kabataan na bantayan at suwayin na lamang sila upang hindi na magkaroon ng violation. | ifmnews
Photos: 📸Mangatarem PS
Facebook Comments