Oral arguments ng Korte Suprema sa NCAP, mapapaaga

48

Mapapaaga ang oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon na inihain laban sa ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, inilipat sa December 6, 2022 ang petsa ng oral arguments sa NCAP petitions mula sa January 24, 2023.

Itinakda naman ng Korte Suprema ang preliminary conference sa kaso sa November 4 dakong alas-2:00 ng hapon.


Iniutos din ng Supreme Court ang pagbibigay ng kopya ng mga petisyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pinagkukomento rin ng SC ang MMDA sa mga petisyon laban sa NCAP sa loob ng sampung araw matapos na matanggap ang kopya ng abiso.

Una nang nagpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o pagpapatigil sa implementasyon ng ‘No Contact Apprehension Policy’ sa limang lungsod sa Metro Manila.



Facebook Comments