Pinawalang-sala ng isang korte sa Pangasinan ang 102 Pilipinong biktima ng human trafficking na maling inakusahan at ikinulong nang halos dalawang taon.
Ayon sa kanilang mga abogado, ang mga kasong isinampa laban sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay batay lamang sa maling paratang.
Ibinasura ni Judge Roselyn Andrada-Borja ng Regional Trial Court Branch 53 ang apat na magkakahiwalay na kaso dahil sa “kakulangan ng ebidensya at kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang kasalanan ng mga akusado.”
Kinumpirma rin ng korte na ito ay bunsod ng pag-apruba sa demurrer to evidence, na agad nagresulta sa pagpapalaya ng lahat ng 102 na bilanggo.
Noong Nobyembre 28, 2023, nagsagawa ng raid ang pinagsanib na pwersa ng BIR at ng Pangasinan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Carmay, bayan ng Rosales, kung saan inaresto ang mga among Chinese at 102 Pilipinong manggagawa.
Ang mga Pilipinong nasangkot ay na-recruit mula sa mga lalawigan ng Masbate, Negros, at Bulacan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









