Good news sa gitna ng pandemya, Hindi na matutuloy ang nakaambang tanggalan ng mahigit isang daang empleyado ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa September 15, 2020.
Ito ang kinumpirma mismo sa interview ng RMN Manila ni Department of Transportation Undersecretary for Administrative Service Atty. Artemio Tuazon Jr.
Ayon kay Tuazon, nakipagpulong sila sa pamunuan ng LRMC upang sabihin na huwag nang ituloy ang pagbabawas ng empleyado lalo na’t nahaharap ngayon sa krisis ang bansa dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Tuazon na pawang mga “redundancy” sa posisyon ang nakatakda sanang tanggalin ng LRMC, pero kanila itong pinigilan.
Una nang sinabi ng LRMC na magbabawas sila ng mga empleyado dahil sa pagkalugi bunsod ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments