Patuloy pa rin ang Department of Agriculture sa kanilang implementasyon ng Corn Production Enhancement Project sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan kung saan ay namahagi ang mga ito ng hybrid corn seeds na nasa higit isang daang magsasaka sa bayan ng Urbiztondo.
Nasa 130 na mga magsasaka ang napamahagian ng 150 bags ng naturang seedlings sa ginanap na distribusyon nito sa pangangasiwa ng Office of Municipal Agriculturist.
Ang pamamahaging ito ay naglalayun na pataasin ang antas ng ani ng mais nang sa gayon ay madagdagan ang kita ng mga magsasaka.
Ang pagiging benepisyaryo ng naturang pamamahagi at nakabase sa pagrehistro ng mga magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture na may sinasakang 0.50 na ektarya o higit pa o miyembro rin ng isang active Corn Cluster Organization. |ifmnews
Facebook Comments