Women’s Festival, gaganapin na tuwing buwan ng Marso ayon sa alkalde ng QC

Inihayag ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na para mas higit pang maisulong ang karapatan ng kababaihan at maipamalas ang kanilang talento, galing, at katapangan, magkakaroon ng QC Women’s Festival tuwing buwan ng Marso.

Sa ginawang talumpati ni Mayor Belmonte sa Dance Parade of QC Women in Action against VAW, kapansin-pansin na mataas ang kamalayan ng QCitizens sa Gender Equality at Women Empowerment kaya kailangan itong ipagdiwang sa pamamagitan ng kapistahan.

Paliwanag ng alkalde, bilang pakikiisa naman ng lungsod Quezon sa kampanya kontra pang-aabuso at karahasan sa mga kababaihan, sama-samang nag-martsa ang mga QCitizen sa palibot ng Amoranto Stadium.


Kasabay nito, pinarangalan din ng lokal na pamahalaan ng QC ang mga nagwagi sa dance competition sa ilalim ng City Department at Barangay-Community Category.

Facebook Comments