Sa ilalim ng programang fuel subsidy ng Department of Agriculture Region 1 nakatanggap ang aabot sa 1, 329 na mga magsasaka sa buong Pangasinan ng diskwento o discount pagdating sa bayad ng gasolina.
Layunin ng ahensya na matulungan ang mga magsasaka na maipagpatuloy ang kanilang pagsasaka sa kabila ng pagtaas sa presyo ng petrolyo na kung saan isa sa kailangan upang magamit ang mga pansakang kagamitan.
Sa nasabing bilang 725 na magsasaka ay nagmula sa mga bayan ng Tayug, Natividad, San Quintin, Rosales, San Manuel at San Nicolas habang ang 604 naman ay mula sa mga bayan ng Binalonan, San Jacinto, Manaoag at Sison.
Aabot naman sa tatlong libong pisong discount o bawas sa gasolina ang natanggap ng bawat magsasaka sa probinsya.
Samantala, aabot sa mahigit P3-milyong ang suma-total na bilang ang naipamahagi ng ahensyang Department of Agriculture Region sa probinsya. | ifmnews
—
Facebook Comments