HIGIT ISANG LIBONG MGA BATA SA ASINGAN, MABEBENIPISYUHAN MULI NG 120 SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM NG DSWD

Higit isang libong o kabuuang 1,200 na mga bata sa bayan ng Asingan ang mabebenipisyuhan muli ng 120-day Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1.
Mula ang mga beneficiaries sa child development centers sa bayan kung saan naipamahagi sa kanila ang mga masusustansyang pagkain na kakailanganin ng kanilang mga katawan gaya ng bigas, gatas, prutas, gulay, mga yogurt drink at marami pang iba.
Nagkakahalaga tatlong milyong piso ang kabuuang naipamahagi sa naturang Supplementary Feeding Program ng DSWD.

Ang patuloy na pagsasagawa ng DSWD ng ganitong klaseng programa ay may layon na malabanan ang malnutrisyon sa edad pa lang na tatlo hanggang apat na taong gulan sapagkat ang mga ganitong edad ang kadalasang nakararanas ng underweight o di kaya ay kakulangan sa tangkad na dapat sa kanilang edad. |ifmnews
Facebook Comments