HIGIT ISANG LIBONG MGA SENIOR CITIZENS NG DAGUPAN CITY, NATANGGAP NA ANG AICS PAYOUT

Natanggap na ng mga senior citizens sa Dagupan City ang kanilang cash payout sa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa pamamagitan ng tanggapan ng kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan.
Kabuuang isang libo at limang daan o 1, 500 na mga seniors ang napamahagian ng nasabing tulong pinansyal na maaari namang mailaan ng mga ito sa kanilang panggastos sa kakailanganing gamot at iba pa.
Kabilang din ang mga ito sa prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Dagupan partikular sa kapakanang pangkalusugan at napapamahagian ang mga ito ng mga libreng serbisyong medikal tulad ng programang home visit, eye check-up, recipient ng mga eyeglass, benepisyaryo ng cataract operation, libreng laboratory tests at iba pang mga health services laan para sa mga lolo at lola.

Tiniyak naman ng kongresista na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa local maging sa nasyonal na gobyerno kaugnay sa mga programang ilulunsad pa na bebenipisyo sa nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments