HIGIT ISANG LIBONG MGA SOLO PARENTS AT LGBTQIA+ MEMBERS SA MGA BAYAN NG SAN FABIAN AT MANGALDAN, NATANGGAP ANG TUPAD PAYOUT

Natanggap na ng mga solo parents at miyembro ng LGBTQIA+ Community ang kanilang payout sa ilalim ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers.
Nasa higit isang libong mga benepisyaryo ang tumanggap kung saan 526 ay mula sa bayan ng Mangaldan habang ang 496 naman ay mula sa San Fabian.
Kapalit ng nasabing payout ng kanilang pagtatrabaho sa loob ng sampung araw sa kanila-kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng namumunong kongresista sa ikaapat na Distrito ng Pangasinan at mga lokal na pamahalaan ng mga nasabing bayan sa ahensyang DOLE.

Layon ng nasabing programa na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga Pangasinenseng naapektuhan ng kinakaharap na krisis. |ifmnews
Facebook Comments