Higit isang libong OFW sa Malaysia, tinamaan ng COVID-19

Pumalo na sa 1,135 na mga Pilipino sa Malaysia ang tinamaan ng COVID-19 simula nang magsimula ang pandemya noong isang taon.

Sa nabanggit na bilang, 671 ang fully recovered habang nasa 13 naman ang nasawi.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose na sa Department of Health (DOH) lamang sila kumukuha ng datos dahil sa pinapairal na protocol ng ASEAN Ministry of Health.


Ayon kay Ambassador Jose, agad namang tumutugon ang embahada kung may hirit na tulong ang ating mga kababayan.

Sa katunayan, nakapagkaloob na sila ng food, financial at shelter assistance na maging ng repatriation assistance sa mga kababayan nating nais bumalik ng Pilipinas.

Maging ang bakuna kontra COVID-19 ay nakakatanggap ang ating mga kababayan sa Malaysia.

Sa ngayon, ani Jose ay nasa 10-M na ang nabigyan ng 1st dose habang nasa higit 4-M na ang fully vaccinated sa Malaysia na, 32.2% mula sa kabuuan nilang populasyon na kinokonsiderang isa sa mga matataas na vaccination rollout sa ASEAN Region.

Facebook Comments