Higit isang milyong bata, nabakunahan na kontra tigdas

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) na halos 1.15 million na bata ang napabakunahan na laban sa tigdas.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – katumbas nito ang 1/3 o 30% ng higit 3.8 million na batang target ng ahensya para sa supplemental immunization kontra tigdas.

Karamihan sa mga bata ay may edad anim hanggang 10-taong gulang.


Aniya, layunin ng DOH na mapabakunahan ang 95% ng 3.8 million na bata upang makabuo ng “herd immunity”.

Positibo rin ang DOH na maaabot nila ang target ngayong bumabalik na ang tiwala ng publiko sa vaccination program ng pamahalaan.

Sa huling tala ng ahensya, aabot na sa 16,349 measles cases sa bansa mula January 1 hanggang March 2, kabilang ang 261 na namatay.

Facebook Comments