Higit isang milyong small rice farmers, tatanggap ng P5,000 cash aid

Tinatayang nasa isang milyong magsasaka ang makakatanggap ng P5,000 na ayuda mula sa Department of Agriculture (DA).

Ang nasabing ayuda ay nakalaan para sa mga magsasakang nasa isang ektarya ang lupang sinasaka.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mula ito sa sumobrang buwis na nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) mula sa mga import nating bigas.


Layon aniya nitong matulungan ang mga magsasaka sa nagpapatuloy na nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic, Rice Tarrification Law at pananalasa ng mga bagyo.

Una nang inaprubahan ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ang resolusyong magbigay ng cash assistance sa mga lokal na magsasaka.

Samantala, inaasahang maipapamahagi na ang ayuda sa susunod na buwan.

Facebook Comments