Tinatayang higit isang milyong tax payers ang nagbayad ng buwis online ngayong taon.
Ayon sa Department of Finance (DOF), aabot sa 1.43 million o halos 100 porsyento ng tax payers ang nagproseso ng kanilang annual Income Tax Returns (ITR) sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue’s electronic Filing and Payment System (eFPS).
Inihayag naman ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na bunga ito ng patuloy na digitalization efforts ng gobyerno upang mapadali ang proseso para sa publiko.
Mayroon namang 7,139 ang nagbayad ng buwis sa pamamagitan ng manual.
Facebook Comments