Higit kalahati ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, hindi pa nagagamit – COA

Nasa P4.99-billion pa ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 ang hindi pa rin nagagamit.

Ito ay higit kalahati ng pondong nakalaan para sa loan distribution sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Ayon sa March 2 report ng Commission on Audit (COA), nakasaad na P4.09 billion lang o 45.04% ng P9.08 billion ang nailabas ng Small Business Corp. (SB Corp.) hanggang June 30, 2021.


Ang SB Corp., ay isang state-run company sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dalawang rason naman ang nakita ng COA kung bakit hindi nagamit ang pondo.

Una, ang kakulangan ng human resource ng SB Corp., at pangalawa, ang pag-aalinlangan ng mga potential clients na i-avail ang tulong pinansyal.

Nabatid na mula sa 995,745 potential clients ng SB Corp., 48,010 lamang ang nag-apply.

Facebook Comments