Meralco, magpapatupad ng higit 6-centavos per kilowatt hour na taas-singil sa kuryente ngayong buwan

86

Magpapatupad ng higit 6-centavos per kilowatt hour na taas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong Marso.

Ayon sa electric company, ito ay bunsod na rin ng mataas na generation charge dahil sa mataas na bentahan ng kuryente sa wholesale electricity spot market.

Giit ng Meralco, mas marami kasi silang biniling kuryente dahil sa scheduled maintenance ng Quezon Power at First Gas San Lorenzo Plant.


Nakaapekto rin aniya rito ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Ang dagdag-singil sa kuryente ay katumbas ng ₱13 para sa mga kumo-konsumo ng 200 per kilowatt hour at ₱31 para naman sa mga kumo-konsumo ng 500 per kilowatt hour.

Facebook Comments