Higit kumulang 1, 000 commuter na benepisyuhan sa Libreng Sakay ng IFM Dagupan at RMN

Naging matagumpay ang Libreng Sakay ng RMN Network at ng IFM Dagupan na isinagawa sa loob ng dalawang linggo.

Hindi napigilan ng malalakas na pag-uulan at pagbaha na dulot ng habagat ang IFM Dagupan team upang ihatid ang serbisyo publiko sa Masang Dagupeno sa pamamagitan ng Libreng Sakay.

Aabot sa higit kumulang na 1, 000 commuters kabilang ang mga estudyante at mga nagtratrabaho ang matagumpay na naisakay mula September 9-20, 2019.


Umikot ang jeep ng IFM Dagupan kasama ng mga Radyoman sa palibot ng Downtown Area mula 7:00 hanggang 9:00 umaga at nagbigay din ng exciting prizes para sa mga commuter.

Lubos naman ang pasasalamat ng IFM DAGUPAN sa mga tumangkilik ng nasabing programa.

Samantala, handog ngayong linggo ng IFM Dagupan ang libreng Manok para sa mga Lolo at Lola bilang selebrasyon sa Grandparent’s Month ngayong Setyembre.

Facebook Comments