Loonie, positibo sa paggamit ng iligal na droga

Inilabas na ng Southern Police District (SPD)-Crime Laboratory ang result ng drug test sa sikat na rapper na si Loonie at ilang kasamahan nito.

Si Loonie ay naaresto sa isinagawang buy-bust noong nakaraang linggo sa isang hotel sa Makati City.

Batay sa initial laboratory report, positibo sa paggamit ng marijuana o THC metabolites ang Fliptop battle rapper, na Marlon Peroramas ang tunay na pangalan.


Ayon sa SPD-Crime Lab, isasailalim pa sa “confirmatory examination” ang “positive urine specimen” ni Loonie.

Matatandaang nagkakahalaga ng P105,000 ang 15 sachet ng hinihinalang high-grade marijuana ang nakumpiska mula sa grupo ni Loonie.

Mariing itinanggi ito ni Loonie kung saan nag-trending ang #freeloonie ng mga fans upang igiit na palayain na ang rapper dahil na-set up lang umano ito.

Facebook Comments