Naitala ng Department of Health Region 1 ang higit kumulang 11, 000 na kaso ng tuberculosis noong 2021.
Ayon kay dr. Rheuel bobis, tagapagsalita ng doh region 1, 650 na kaso ang naitala sa Ilocos Sur, 734 sa Ilocos Norte, 1, 831 sa La Union at 7, 746 sa Pangasinan.
Aniya, bumaba ang case finding ng kagawaran dahil na rin sa epekto ng pandemya. Kakaunti umano ang nagpupunta ng hospital upang magpa checkup sa kanilang kalagayan.
Ngunit dahil mas maluwag na ang alert level status ng rehiyon, inaasahan na mas marami pang madidiagnose at mapapagaling dahil sa libreng gamutan nito na handog ng DOH.
Ang pag-ubo ng dalawang linggo o higit, hindi maipaliwanag na pagkakaroon ng lagnat sa tanghali at hapon, pagbaba ng timbang na hindi naman nagdidiyeta at ang pagpapawis sa gabi kahit na malamig ang panahon ang ilan lamang sa sintomas ng TB.
Hinikayat ng opisyal ang mga indibidwal na nakararanas ng sintomas na hindi dapat mahiya na magkonsulta at magpagamot dahil ito ay libreng gamutan sa loob ng anim na buwan. | ifmnews
Facebook Comments