20% DISCOUNT SA REAL PROPERTY TAX SA MANGALDAN, PINALAWIG HANGGANG NGAYONG ARAW

27
Extended hanggang ngayong araw Huwebes, Marso 31 ang 20% discount sa pagbabayad ng Real Property Tax sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Pinalawig naman hanggang Hunyo 30, 2022 ang condonation para sa mga interes at multa ng mga delinquent real property tax na hindi nabayaran bago ang taong 2021.
Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan ang mga taxpayer na samantalahin ang pagkakataon at bayaran ang kaukulang obligasyon sa gobyerno na malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bansa.

Bukas ang tanggapan ng Mangaldan Real Property Tax Office mula 8am to 5pm na matatagpuan sa Municipal Hall Ground Floor. | ifmnews
Facebook Comments