Higit kumulang 150k na halaga ng vape products nakumpiska sa Pangasinan

59

Aabot sa higit kumulang 150, 000 na halaga ng vape juices at vape ang nakumpiska ng PNP Pangasinan.
Ayon kay Police Provincial Director Redrico Maranan, 666 na vape juices at 20 vape ang nakuha nila sa mga lumabag sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinagbabawal sa paggamit ng vape at e-cigarettes sa pampublikong lugar.
Isa ang naaresto sa Alaminos City na agad namang pinakawalan.
Paglilinaw ng PNP na ang mga mahuhuli ay dadalhin sa kanilang himpilan para sa kaukulang dokumentasyon at agad din na pinakawalan.
###

Facebook Comments

From Advertisers