Binatilyo, Nakuryente habang Nagtatanim ng Palay!

359

Cauayan City, Isabela- Isinugod sa pagamutan ang isang binatilyo matapos itong makuryente pasado alas 7:00 kaninang umaga habang nagtatanim ng palay sa Brgy. Canan, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Tumulin, 15 anyos, grade 9 student at residente ng Brgy. Munoz West, Roxas, Isabela.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSMS Juneilzen Maneja, imbestigador ng PNP Cabatuan, sinabi nito na habang nagtatanim ng palay ang biktima ay aksidente itong nakuryente dahil sa malakas na boltahe ng wire na nakalaylay sa palayan.

Aniya, inaayos na ng ISELCO ang lumuwag na kawad ng kuryente habang inoobserbahan pa sa pagamutan ang biktima.

Facebook Comments