Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa 75 na pamilya o mahigit 300 na indibidwal ang lumikas na sa FL Dy Coliseum sa Lungsod ng Cauayan.
Sa inisyal na impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, nasa 335 na mga indibidwal ang lumikas sa FL Dy Coliseum mula sa lower part ng Sipat St. ng Brgy District 3, mula sa brgy. District 1 at Labinab.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Office (CDRRMO), maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga evacuees kung patuloy ang pagbuhos ng ulan.
Hindi na rin madaanan ang ilang mga tulay sa Lungsod dahil sa pag-apaw ng tubig.
Kaugnay nito, inihahanda na rin ang mga eskwelahan na gagamitin bilang evacuation centers sa Lungsod maging ang mga relief goods na ipamimigay sa mga evacuees.
Una nang idineklara ni City Mayor Bernard Dy ang suspensyon ng klase ngayong araw sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod bunsod pa rin ng pag-uulan at nararanasang pagbaha sa ilang bahagi ng Lungsod.